panandaliang kaligayahan

•September 16, 2007 • 3 Comments

iparamdam
ang iyong mga haplos,
yakap at mga halik.
pawiin
ang kalungkutan
at pag-iisa.
patulan
ang panandaliang kabaliwan.
damhin
ang init ng buwan,
pagnasaan
ang kanyang kabilugan.
wag nang palagpasin at balutin
ng kahiwagaan
ang gabing sana’y
wala nang hangganan.

yanyan 091607

bumalik na ba ang aking katinuan?

•September 12, 2007 • Leave a Comment

 

Maraming beses sa buhay ko na napapatitig ako sa kawalan. Ganyan ko ilabas kung minsan ang aking nararamdaman. Lumilipad ang utak ko kung saan. Ngunit pambihira ang nangyari kahapon. Di ko malaman kung anong meron pero andun ako. Sa gitna ng kwarto. Patay lahat ng ilaw. Madilim. Napaka dilim. Nakahiga ako. Malayang nakaratay ang mga kamay sa may gilid ng aking ulo na akala mo’y lumilipad ako sa kalawakan. Oo. Isipin mo. Nagmumukha akong gago. Nakatitig ako sa kisame. Walang laman ang utak ko. Umiikot ang mundo. Di ko na alam kung gano katagal akong nakahiga. Basta alam ko matagal. O pwedeng, akala ko lang ay matagal.

Di ko maintindihan pero parang bigla akong napagutusan ng hangin. Dali daling kinuha ang aking nowtbuk at sa gitna ng dilim, ang lapis ko’t papel ay nagsiping. Wala akong makita, wala akong ideya kung anong itsura o kabasa-basa man lang ba ang inaawit ng lapis ko. Pero tuloy pa rin ako. Bawat salita na pumasok sa isipan ay itinala ko sa humigit kumulang na 2 pahina ng papel. May mahika, tonight, moonlight, awit, bituin, mesmerize, at marami pang iba. Lahat inilabas ko lang. walang pakundangan. hinayaan ko ang utak kong magsitakbo sa bawat sulok ng kwarto. Di ako nag-isip, di ko pinilit. Napakasarap ng pakiramdam.

Makalipas ang ilang araw na para akong timang, ngayon ay dahan-dahang bumabalik ang aking katinuan.

di ako nilambing ng antok

•September 9, 2007 • 2 Comments

andito lang ako
inaabangan ka
hinihintay.
sa ilalim ng makapal na kumot
dama ko pa rin ang lamig.
sa gitna ng kadiliman,
sinisilaw ako ng munting ilaw
na mula sa liwanag ng buwan.
kitang-kita ko
mula sa maliit na bintana,
nakatitig lang sa kawalan.
naghihintay pa rin ako.
anong oras na?
maguumaga na
mukhang di ka na dadating.
di mo na ako dadalawin.
minsan mo nalang ako nilalambing.
di na kita sisihin
tanggap ko na
pero sana
magparamdam ka na.

taking risks

•September 9, 2007 • Leave a Comment

monday
9:58am

life.. is all about taking risks. situations require decisions. may it be minor or major decisions. you will never know if you made the right turn or not until you realize it in the end. whoever invented the saying “nasa huli ang pagsisi” is god damned right. i’m not saying that i regret the things that happened in my life. i promised myself not to regret anything. because i know, that with every decision that i make, there is always something, even if its just a simple thing, that i learn. and that is the key to my next decisions. the risks we take either make our lives simpler or even more complicated. more often than not, when you’re placed in a certain situation,feelings act faster than your mind. and in the end, who’s there to blame? no one else but yourself. and admitting your own mistake is like chewing your own words. that’s when the word PRIDE comes in. me? I’ve had my pride up above my head and way down under my feet. with the situation I’ve gotten through, my feelings acted like a hungry lioness feasting on a bunch of steak and my mind like a hanging computer needing to reboot.

Hurting other people is what i hate most, but sometimes, you just cannot avoid it. i’ve been there, done that too many times and as always, there are no other words left in my mouth but SORRY. but then somehow, i always find myself in that very same situation i’ve been through. and in the end, i find myself bleeding more than anybody else.

As i write this, i’m sitting on a bench with one hand flickering my cigarette, with people passing me by and cars zooming around. the church bell starts to ring as if saying it’s time. time for what? i dont know.. but amidst all this, is someone who’s willing to chew everything up, even her own words and put her pride under her feet once more to make things fall into their right places.

10:36am

isang lumang entry na rin ito. mga 2 years ago ko nang naisulat.

kapit ka

•September 9, 2007 • Leave a Comment

nais kong malunod sa bigat ng ihip ng hangin.
nalalanghap ang mga usok na pilit ipinapasok sa akin.
sakay ng bus papunta sa kung saan
ang isipan ko’y lumalangoy sa kawalan.
ikaw… ikaw… ikaw…
bakit nga ba parati nalang ikaw?
matatawa, malulungkot, mapapangiti..
ano ba’t parang ako ay kinikilti.
di na maintindihan ang aking nararamdaman
sa buhay ay ito na nga ba ang tinatawag na kahiwagaan?
masakit, malungkot, masaya…
parang paikot-ikot na bola.
masaya, malungkot, masakit…
mahal ko higpitan ang iyong pagkapit.
kung ako ay iyong mabitawan,
baka ito na ang maging katapusan.

yanyan january 07

sa kislap ng mga bituin

•September 9, 2007 • Leave a Comment

ako ay nagpupumiglas sa pagkakatali
sa mga alaalang pilit na ibinabaon sa lupa.
di masilayan ang liwanag ng araw
pagkat ang nakikita ng mga mata’y
anino lamang ng nakaraan.
labis na nasasaktan,
ang puso ko’y hirap nang tumibok
nais ko nang wakasan
ang buhay kong kay hirap pakisamahan.

 

sinisilip ko ang mga bituin,
pinapangarap na sana’y kayang abutin.
Ilaw na mula sa buwan
simbolo ng ating pag-iibigan.
liwanag na dulot nito
ang siyang yumayakap sa akin
at iyon na lamang ang tanging dahilan
ng pag-asang aking pinanghahawakan.

 

ngunit ngayong ika’y wala na,
maitim na ulap ang namumuo sa kalawakan.
unti-unting bumubuhos ang ulan,
binabalot ang pagkatao ko ng kadiliman.
labis kong dinadalangin
na ang kaliwanagan ay mahanap ko rin.
sana bukas sa pagsikat ng araw,
masikatan ang buhay kong madilim
kaya’t ngayong gabi ay akin paring pipilitin
na silipin ang kislap ng mga bituin.

 

isang lumang tula…..

bago

•September 9, 2007 • Leave a Comment

sa ngayon, ito ang bago kong bahay. ang bagong tambayan ng koleksyon ko ng mga salita na minsa’y di maiwasang mailabas sa animong kahon kong utak. mga salita na minsan din ay hirap palabasin. kahit na itaktak ko ang kahon.

yun na nga ang isang dahilan kung bakit gumawa ako ng bagong pahina. kase matagal-tagal na akong di nakakapagsulat. di ko malaman minsan kung ano talaga ang pinaka dahilan kung baket tila nauubusan ako ng mga salita. writer’s block? ewan ko. siguro kulang sa focus, inspirasyon at emosyon. ang bunga- FRUSTRATION.

malay ko..baka makatulong to. bagong environment. hehe.