gabi ng luha at kalungkutan.
Minsan, gusto ko nalang maglaho.
Dahil sa mga pinagsama-sama at naipon na sama ng loob.
Minsan kahit na gustuhin kong ituwid lahat, mahirapa parin gawin.
Minsan, ipniipilit ko nalang isakripisyo ang sarili kong damdamin
Ang pagkatao ko para sa iba.
Para sa mga mahal ko.
Para walang gulo, walang away.
Pero panno kapag minsang umapaw na ang pasensya ko?
Pano kung punong-puno na?
Pero di ko pa rin kaya maipagtanggol ang sarili ko.
Pano kung masyadong akong pinanghihinaan?
Lalo na’t ang Makita kong mga mahal ko ang nasasaktan.
Sa muling pagkakataon, sarili ko’y isinasakripisyo na lang.
Sa uulitin.
Mukhang hanggang dun nalang.
Ganon nalang.
Pero ako’y tao lang naman
Nasasaktan din ako.
Sana alam niyo yun.
Baka nasa kalagitnaan lang ako ng isang madramang gabi. Hayaan niyo nalang ako. Naglalabas lang ng mga hinanakit. Ewan ko. Gulong-gulo ang utak ko. Pagbigyan niyo na ako at pahina ko rin naman to.
Mahiwaga ang buwan ngayong gabi,
alas dos ng madalaing araw ng abril 21, 2008;

Leave a Reply