kundiman
naglalakbay ang diwa
mga tingin ay nililipad ng hangin
patungo sa iyong piling.
ang malumanay na halik
dala-dala ng ihip
lumalapat sa aking labi.
sa iyong tabi,
ligayang walang kapantay.
damdamiý nagagalak,
nabubuong mga pangarap.
kumikinang na mga bituin
di maiwasang tingilain.
wariý mga mata mong
nakatitig lang sa akin.
ang buwang nakasulyap,
sinusuyo ng mga ulap.
sumasabay sa aking galaw,
kundimaý sinasayaw.
di mapigilan ang kaligayahan
sa iyo lang nararamdaman.
ang gabing itoý
mga tingin ay nililipad ng hangin
patungo sa iyong piling.
ang malumanay na halik
dala-dala ng ihip
lumalapat sa aking labi.
sa iyong tabi,
ligayang walang kapantay.
damdamiý nagagalak,
nabubuong mga pangarap.
kumikinang na mga bituin
di maiwasang tingilain.
wariý mga mata mong
nakatitig lang sa akin.
ang buwang nakasulyap,
sinusuyo ng mga ulap.
sumasabay sa aking galaw,
kundimaý sinasayaw.
di mapigilan ang kaligayahan
sa iyo lang nararamdaman.
ang gabing itoý
pangarap na naisakatuparan.
yanyan
pebrero 2, 2008

te., gawin qng project tong kundiman mu a^^ hehe rush eh! thanks
panong project? isusulat mo ba na ikaw ang sumulat o hindi?