hiwaga ng gabi

Sa gitna ng malumanay na gabi
Tinititigan kang muli
Pinagmamasdan bawat arko ng iyong mukha
Nais tumulo ng aking mga luha
Gusto kong sumiping sa iyong panaginip
Kahit sandali, sana’y masilip
Di ko maiwasang mapangiti,
Di rin maiwasang halikan ang iyong mga labi
Sabay yakap sa iyong katawan
Yakap sa aking kaligayahan
Sa pagkurap ng iyong mga mata
Tayo’s nagging isa dito sa aking kama
Balutin natin ng kumot ang gabi
Habang ang hiwaga ay nasa ating tabi

 

isang lumang tula na . april 2006.

~ by mahiwagangbuwan on October 14, 2007.

2 Responses to “hiwaga ng gabi”

  1. masaya?;)

  2. sobra… haha.

Leave a Reply