panandaliang kaligayahan

iparamdam
ang iyong mga haplos,
yakap at mga halik.
pawiin
ang kalungkutan
at pag-iisa.
patulan
ang panandaliang kabaliwan.
damhin
ang init ng buwan,
pagnasaan
ang kanyang kabilugan.
wag nang palagpasin at balutin
ng kahiwagaan
ang gabing sana’y
wala nang hangganan.

yanyan 091607

~ by mahiwagangbuwan on September 16, 2007.

4 Responses to “panandaliang kaligayahan”

  1. nalalasahan ko ang iyong pagnanasa

  2. salamat salamat!

  3. gusto ko ‘to… parang masarap ang panandaliang kaligayahan

  4. Ingat-hakbang kung sa panandalian-kaligayahan,
    Minsan ng malasap, hahanap-hanapin na parang
    Mababaliw, kapag ito’y ‘di na matagpuan.

Leave a Reply