bumalik na ba ang aking katinuan?

 

Maraming beses sa buhay ko na napapatitig ako sa kawalan. Ganyan ko ilabas kung minsan ang aking nararamdaman. Lumilipad ang utak ko kung saan. Ngunit pambihira ang nangyari kahapon. Di ko malaman kung anong meron pero andun ako. Sa gitna ng kwarto. Patay lahat ng ilaw. Madilim. Napaka dilim. Nakahiga ako. Malayang nakaratay ang mga kamay sa may gilid ng aking ulo na akala mo’y lumilipad ako sa kalawakan. Oo. Isipin mo. Nagmumukha akong gago. Nakatitig ako sa kisame. Walang laman ang utak ko. Umiikot ang mundo. Di ko na alam kung gano katagal akong nakahiga. Basta alam ko matagal. O pwedeng, akala ko lang ay matagal.

Di ko maintindihan pero parang bigla akong napagutusan ng hangin. Dali daling kinuha ang aking nowtbuk at sa gitna ng dilim, ang lapis ko’t papel ay nagsiping. Wala akong makita, wala akong ideya kung anong itsura o kabasa-basa man lang ba ang inaawit ng lapis ko. Pero tuloy pa rin ako. Bawat salita na pumasok sa isipan ay itinala ko sa humigit kumulang na 2 pahina ng papel. May mahika, tonight, moonlight, awit, bituin, mesmerize, at marami pang iba. Lahat inilabas ko lang. walang pakundangan. hinayaan ko ang utak kong magsitakbo sa bawat sulok ng kwarto. Di ako nag-isip, di ko pinilit. Napakasarap ng pakiramdam.

Makalipas ang ilang araw na para akong timang, ngayon ay dahan-dahang bumabalik ang aking katinuan.

~ by mahiwagangbuwan on September 12, 2007.

Leave a Reply